I think I will be again...
after a while, a lot of moments that passed by, what ifs, trials, high times and downtimes, depression frustration, exhaustion, excitement, fear, annd all the things you can think of...
I will be again...
--------------------------------------
Paano nabuo ang blog na ito...
Bago ko punuin ang screen ng mga "obrang" nasa isip ko pa lang...isang paggunita sa nakaraan, kasalukuyan at sa hinaharap
Nobyembre 2008, buwan ng aking kaarawan, naisip kong gumawa ng raket, isang kumikitang kabuhayan na alam kong magtutulak sakin sa rurok ng tagumpay (over acting ang thought na ito)...inisip ko ang ilang mga bagay na gustong gusto kong gawin at alam kong masusustain ng aking fickleminded na utak.
Sumagi sa isip ko ang pangarap kong makapag charity work...naisip ko bakit hindi ako gumawa ng art at ibenta ito with some parts of the proceeds donated to various charities o kung hindi man ay yung gigising sa mga tao para mainspire sila na habulin ang kanilang mga pangarap.
Sa mga panahon na yun, nawawala ako bilang tao. Nanganganib makain ng sistema pero pilit na pinipigilan ito. Di inalintana ang ideyang ilang taon na ang nakalipas mula nung ako ay nagpinta. (Habang tumatanda, nadivert sa freestyle poetry at later on photography at dj-ing kuno ang pagkahilig ko sa art).
Noon pa, alam kong kakaiba na ang approach ko sa pagexpress ko ng aking sarili, at alam kong kung sa abstract way ko maeexpress ang aking mga saloobin mas magiging mabuting tao ako, mas mayabong, mas matayog ang liliparin ng aking mga pangarap.
Dumaan ang ilang buwan pero wala akong nasimulan sa kadahilanang nabubuhay ako sa isang mundong nawalan na ako ng emosyon. Hanggang isang araw ngayong taong 2009, naglakas loob akong bumili ng art materials sa National at SM even if I was kinda short in cash... Inisip ko...kung hindi ngayon?... kailan pa?
Kaya nagsimula ako kahit sabog ang mga ideya ko, nangangalawang ang art skills...pero pinilit kong magpinta... alam kong matagal pa bago ko maiprisinta sa buong mundo ang aking mga obra at bago may bumili nito pero nangangarap akong balang araw, this dream would take off...
Kasalakuyan, oil painting pa lang ang nasisimulan ko, pero habang lumilipas ang panahon, sana makagawa pako ng ibang forms... na makakapag inspire sa mga tao.
Ang pagbabalik loob ko sa art ay isa ring paraan para maka cope ako sa stress ng aking trabaho na tuluyan nang kumain sa akin. Ang pagbabalik loob ay hudyat ng aking renewed life. At alam kong hindi lamang ako nahihibang pag sinabi kong gusto kong pagyamanin ang aking art side, in my case, it's not just a whim..it's a need.
Sa webspace na ito, makikita niyo ang mga pangarap ko...ang mga ideyang nakakapagpalaya sa akin, at hopefully ang ideyang makakatulak din sa iyo (oo ikaw) na habulin ang iyong mga pangarap, dahil ang buhay ay hindi tumitigil at hindi impossible ang mangarap, tao lang ang naglilimit sa kanyang sarili.
No comments:
Post a Comment