matagal nang di nadarama
ang mga patak
mula sa langit
dati'y tatakbo pa
para lang malunod
ngayon kinukubli ang sarili
iniiwasan ang paanyaya
ng paglalaro
na parang walang pakialam
ngayon pinupunasan
ang bahid ng mga alaala
na dati rati'y hinahayaang
matuyo ng kusa
ngayon ang mga patak
ay pagdurusa
ibang iba na
ibang iba na
panahon lang ang makapagsasabi kailan
lalabas sa lungga
at dadamahin uli
ang patak
ng walang luha
mukang malapit na
sana...
No comments:
Post a Comment